Halaga ng Isang Social Worker ~

Isang taon na ang nakalipas mula nung Marawi Seige, isang malinaw lamang na araw nang biglang nagkaroon na ng digmaan.

Hindi ko lubos maisip kung paano kaya rumisponde ang mga tao noon sa Marawi sa kasagsagan ng giyera. Nagkaroon ng matinding krisis sa lahat ng aspeto.

Marami ang nabigla at na trap. Walang mga nakapaghanda sa pangyayaring iyon kaya gayun na lamang mataranta ang mga taong naninirahan sa Marawi. Marami nang napatay na sibilyan at mga bata. Nagkaroon ng trauma ang mga mamamayan ng Siyudad ng Marawi. 

This slideshow requires JavaScript.

 

Sa panahong ito, marami ang kinakailangan social workers upang tumulong sa pagresponde sa mga nangaingailangan.

Malaking tulong ang nagawa ng ating mga social workers pagkat hindi lamang ito simpleng pag boluntaryong pag-gawa. Humuhubog ito sa bagong pag-asa ng mga taong nabiktima ng Giyera.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

~ Make Your Mama Proud (M.Y.M.P) , Silent Sanctuary, Join the club, Kamikazee at Callalily ~

Gusto mo lang ba ang mag chill habang background ang tunog ng bawat patak ng ulan at mga kantang tagos hanggang buto at kalamnan ang sakit?

Ibabahagi ko sa inyo ang mga kantang aking pinapakinggan batay sa panahon, mood at nararamdaman.

Ako ay isa sa mga karamihang tumatangkilik sa OPM lalong lalo na sa mga banda tulad ng Make Your Mama Proud (M.Y.M.P) , Silent Sanctuary, Join the club, kamikazee , Callalily at marami pang iba. Pinapakinggan ko ito ayon sa panahon, mood at nararamdaman.

 

Kapag gusto ko lang ng chill na medyo may pagka drama ang aking vibe ay pinapakinggan ko ang mga kanta ng M.Y.M.P . Halos lahat ata ng kanta nila, ay paboritong paborito ko.

Ang M.Y.M.P ay isang acoustic band sa Pilipinas mula 2003- hanggang kasalukuyan.

 

 

mymp.jpg
“Tell me where it hurts now baby and I’ll do my best to make it better.” – Tell me where it hurts.

 

Silent Sanctuary ay isang 5-piece Filipino rock band na nabuo sa Metro Manila noong 2001. Pinapakinggan ko ang kanilang mga kanta tuwing malungkot ako, na para bang lahat ng liriko nila ay tumatama saakin.

silent.jpg
“Ipipikit ko ang aking mata, dahil nais ka lamang mahagkan, nais ka lamang masilayan, kahit alam kong tapos na, kahit alam kong, wala kana… ” -Hiling

 

Ang Join the Club naman ay isang Filipino Post-Punk band na nabuo nung 2001. Kaunti lang ang alam kong kanta nila, pero ang pinaka paborito ko ay ang pinaka sikat nilang “Nobela”.

join.jpg
“At aalis, magbabalik, at uuliting sabihin, na mahalin, ka’t sambitin, kahit muling masaktan..” -Nobela 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang kamikazee ay isang Filipino rock band na nabuo noong 2000. Isa sa mga paborito kong kanta nila ay tungkol sa childhood idol kong si Darna- ang titulo ng kanilang kantang “Narda”. 

kamikazee
“Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip, sa likod ng mga tala-kahit sulyap lang darna” – Narda

 

Ang Callalily isang pop rock/alternative rock band sa  Pilipinas na nabuo noong 2006. Paborito ko sa mga kanta nila ay ang “Magbalik”.

callalily.jpg
“Tininiw tininiw tinininiw tininiww tinininiw” – Callalily 

 

Yan lamang ay ilan sa mga paborito kong banda sa Pilipinas! Tunay na nakaka-proud maging Pinoy!

 

 

Ginugunita kita, Sansan

Ginugunita kita, kahit wala ka na.

2009

Bata pa tayo ‘non. Butot bala’t ka’t tabachoy ako. Ang saya saya natin nung naglalaro sa palayan. Maputik at makati sa paa. Hinahabol natin yung mga manok na aaktong tatapak sa maputik na palayan. Inuuwi mo ‘ko sa bahay ng lola ko, at minsan ay naglaro tayo sa ulan at nadulas ako at nauna ang pwet ko sa putik. Hinugasan mo ang likod ko at masaya lang ako sa kadahilanang hindi mo ko iniwan sa putik gaya ng ginawa ng mga kalaro natin ‘nun. Naglalaro tayo sa tricycle ng aking uncle, ikaw ang driver at ako ang pasahero.

Saan ka na kaya, Sansan?

2015

Bumalik ako sa probinsya. Hinanap kita pagka’t magkatabi lang ang bahay niyo sa bahay ng lola ko. Wala tayong “source of communication” pero parang tulad pa rin tayo ng dati. Akala ko. Ang totoo, nahihiya ako. Ang totoo, gusto kita. Mula nung umuwi nako ng siyudad pagkatapos ng bakasyon, hindi ka na nawala sa isip ko. Akala ko bata pa lang ako nun at mahilig sa laro kaya nami-miss siguro kita. Ilang taon na din ang nakalipas kaya sigurado akong mahal kita ngayon. Inamin ko na sayo, kinse pa tayo pero gustong-gusto kita. Wala kang sinabi, pero sabi mo mahalaga ako sayo. Nanginginig ako habang umaamin sayo. Kaibigan pa rin tayo- kaya nagsasama tayo sa mga barkada natin dito sa baryo. Ilang linggo na lang at uuwi na ako  sa siyudad, Sansan. Wala pa rin akong naririnig sayo. Kaibigan pa rin tayo.

Naka-uwi na ‘ko sa siyudad Sansan- nami-miss kita.

2018

Nabalitaan ko’ng kasal ka na. Nagta-trabaho ka raw sa isang palayan malapit lang sa munisipyo natin. Dalawa na raw anak mo. Bakasyon na naman Sansan, wala na kong aabangan pagka-uwi ko sa atin. Durog na ang puso ko.

Nakita kita sa merkado. Nagda-drive ng tricycle sakay ang panganay mong anak. Kamukhang kamukha mo siya Sansan. Moreno at mahaba ang piluka.

Ginugunita kita San, sa mga araw na nalulungkot ako’t walang kausap. Ginugunita kita sa mga araw na ulan na lang ang hinihintay para makapag-tanim ng palay. Ginugunita kita sa araw na ginugunita ko ang aking kabataan. 

Wala na ‘kong hihintayin San, nami-miss kita. Ang sakit mo sa puso, ang sakit mo sa bituka, ang sakit mo sa paa. Ang sakit mong gunitain. Nakakpanghina nung bumaba ka’t  nakipagkamay-sabay pakilala sa iyong asawa, si Nelyn. Nanginginig akong iabot sayo ang aking kamay pero tinuloy ko. Tinapik mo ang balikat ko’t sinabi ang mga katagang “Musta naman ka nat”. Ang sarap pakinggan ng unang tatlong letra saaking pangalan. Ang lakas ng tama ko sa ‘yo San.

“Una nako, ayo-ayo.” 

Sa dami ng tanong mo, iyan nalang ang naintindihan ko. Hindi ko kasi alam ang nangyayari. Nabingi ata ako? ang hapdi ng lahat ng lamang loob ko. Ang kapal ng tubig sa mata ko. Umiiyak ba ko?

Umiyak ako nung tumalikod na siya at sumakay ulit sa tricycle niya.

Paalam, Sansan. 

Give Up Tomorrow- [Reaction]

 

Isang karumaldumal na krimen ang nangyari sa magkapatid na Chiong ng Carcar, Cebu, hindi mo masisisi ang ama’t ina ng magkapatid.

chiong

chiong2.jpg

NGUNIT. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit. BAKIT ang isang binatang nasa Luzon, nung araw na nangyari ang krimen ay isa sa mga akusadong suspek.

Napatunayan ito pagka’t mayroong lagpas tatlumpung witnesses na ang akusadong si Paco Larranaga, ay nasa Luzon nung araw na naganap ang krimen.

Ayon sa aking pananaliksik, maraming anggulo ang tinitignan. Sa dokyumentaryong “Give Up Tomorrow” na gawa nang extended-family ni Paco, ay halatang-halata na ang lahat ng mga inakusa sa kaniya/kanila (Chiong 7) ay hindi totoo. Bias ang judge at bayaran ang mga taong humawak sa kaso. Maraming koneksyon ang Chiong sa politika. Pinakita sa dokyumentaryo ang kababuyang gumagalaw sa sistema sa pagkamit ng hustisya.

NAKAKAHIYA. Bilang Pilipino at hindi pa namulat nung panahong yon, nakakahiya maging Pilipino sa mga ganitong pangyayari.

NAKAKALUNGKOT. Nakakalungkot pagka’t magda-dalawang dekada na ngunit ngayon lang ito napansin sa tulong ng SOCIAL MEDIA. Sa panahong iyon, ang media ay tutok sa panig ng Chiong.

NAKAKATAKOT. Suporta ako sa hiyaw ng mga tao ngayong bagong administrasyon tungkol sa pag-legalized sa DEATH PENALTY. Naintinidhan ko na kung bakit ang Pilipinas, kahit sa dami ng kriminal na kailangang mahatulan ng kamatayan, ay hindi pwede mag-legalized ng death penalty KUNG GANITONG KLASE NG JUSTICE SYSTEM meron tayo. HINDING HINDI PWEDE I-APPLY SA PILIPINAS ANG DEATH PENALTY.

UMAASA. Umaasa akong sa tulong ng madaming nakapanood ng GIVE UP TOMORROW, ay mag petition ang taong bayan at hingin sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas, na buksan ulit ang kasong ito at ireview ang kaso ng Chiong Sisters. Hindi matatapos ang aking paghihintay hanggang sa mabigyan ng hustisya ang kailangang bigyan ng Hustisya

 

“It is a shame for the Philippines. It is a shame for law enforcement. It is a shame for the justice system and nobody cares” -Solita Monsod, Give Up Tomorrow

Old Soul

Makaluma- Di na uso – Hindi sikat

 

Mahilig ako sa mga lumang bagay. Partikular sa musika. Mahilig ako sa mga 80’s 90’s na kanta. Hindi ko alam kung bakit, pero mas nararamdaman ko yung mga salita bawat liriko sa mga kantang ito. May mga kanta din naman akong gusto sa panahon ko (2000) pero ibang-iba sa mga kanta dati. Makaluma, di na uso at hindi sikat, Lagi kong naririnig pero di ko iniinda. Bukod sa damang dama mo ang sakit, sarap , saya ng kanta, nakakakilig din ang mga malalalim na salitang ginamit rito.

Ito ang (mga) kantang paboritong paborito kong pakinggan:

 

Tuloy Pa Rin by  Neocolours 

“Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko, nagbago man ang hugis ng puso mo”

 

neo

Here I am by Air Supply

“Only you can fill that space inside,
So there’s no sense pretending, my heart is not mending”

air

Sweet Baby by Stanley Clarke & George Duke 

“Oh it’s you sweet baby
I will never be free from your embrace
Sweet baby”

stan.jpg

 

Ipagpatawad mo by VST & Company 

I’pagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko, sana’y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo”

vic

 

 

Ang mga kantang yan ay isa lamang sa mga paborito kong pakinggan. Sabihan mo nang makaluma, ewan ko ba’t gustong gusto kong makinig sa mga lumang kanta! 😀

Nanaginip sa panaginip

 Mag-aapat na taon na. 

Gabi na yon at mahimbing nang natutulog ang lahat. Naririnig ko ang mga kuliglig sa likod ng bahay namin. Ang ingay ng mga aso at tila ba may kaluskos sa iskrin ng panlabas na pintuan namin.

Lumalamig ang hangin. Takot na takot ako pagka’t ako lang mag-isang natutulog sa kwarto ko. Nanatili akong nakahiga, palibot ang mga unan at nakataklob ang buong kumot sa buong katawan ko. Malamig ang hangin ngunit pinagpapawisan ako.

NAGISING AKO.

Nasa party ako ‘non. Ayaw ko sanang sumama dahil ang club na pupuntahan ay punong puno ng mga GRO, pati mga lalaki, nagsi-hubaran at nagkaroon ng mahinang sayawan. Nakaupo lang ako sa nag-iisang sofa sa loob ng club. Nasa tabi ko ang isang “spiral” na hagdanan pataas. Bigla nalang may makapal na usok. Nawala ang mga kaibigan ko, nawala ang mga nagsiyawan na GRO’s at nawala ang kanta. Umakyat ako sa hagdanan na yon at napunta sa isang lugar na dilaw ang mga damo, puti ang langit at walang ibang kulay na tila ba walang taong nakatira sa lugar na yun. Malawak ang lugar, mayamaya, may usok na. Naririnig ko yung ungol ng mga taong tila ba nasusunog. Takot na takot ako. Naglakad ako papalayo, may nakita akong hugis tao ngunit yung balat nito ay parang sunog na katawan ng mais.

NAGISING AKO.

 

Hindi ko sinabi ang panaginip na ito kahit nino man. Natatakot ako sa aking napanaginipan. Ayokong mag kwento. Pagkagising at pagkagising ko ay agad akong nagdasal. Nagdasal ng nagdasal habang pinagpapawisan. Wala akong ibang ibig-sabihin sa pagsulat nito. Sadyang tinago ko lamang iyon ng apat na taon at ngayon lang napagtantong kailangan ko itong ibahagi. Importante ang dasal sa pang araw araw.

Pagkatapos kong magdasal, di nako nanaginip ng ganong klaseng panaginip. Sinigurado ko ring natutulog akong walang sama ng loob at sakto ang oras ng pagtulog.

 

“DASAL LANG. DASAL LANG TALAGA.” – (Alma Moreno, 2015)

Uwi na ako- (my personal travel blog)

Wala naman itong malls, wala namang mga sikat na coffee/tea shop at wala ring mga kagara-garang parks. Ngunit bakit?

Bakit ko pipiliing tumira dito, sa pagtanda ko?

Tubong Aloran Misamis Occidental ang mama ko, sa isang taon nakakapunta kami dun tuwing bakasyon (March-April-May).

Mahina ang signal, walang malls at walang sikat na coffee/ tea shops. Ramdam mo ang rural na hangin. Halos tatlo hanggang apat na oras ang biyahe mula sa Syudad ng Iligan.

a.png
Iligan City-Mukas-Ozamis City Port-Aloran Misamis Occidental

Mula Iligan, sumasakay kami ng Rural Transit Bus papuntang Dipolog.

(Pwede ding kahit anong bus basta ang ruta nito ay dadaan sa munisipyo ng Aloran. Maaari ding sumakay ng bus papuntang Ozamis City tapos sakay ng Van papuntang Aloran. Ngunit mas convenient sumakay ng Bus papuntang Dipolog pagkat tuloy-tuloy ang biyahe at pwedeng bumaba mismo sa lugar)

36300532_157192415148342_3577812284187082752_n
Rural Transit Bus na aming sinakyan. Dipolog City ang ruta nito.

 

Pagkarating ng bus sa Mukas- Port, sasakay kayo ng Ferry/ Lantsang pantawid sa Ozamis Port. Bababa ng bus para magbayad at hintayin na makasakay muna ang bus bago ang mga tao na sakay nito. Nasa mga kinse (15) minutos ang biyahe nito papunta ng Ozamis Port.

36252723_157192448481672_2450879381875195904_n
View mula sa loob ng bus habang nakasakay sa Lantsang Pantawid (ferry)
36281903_157192515148332_8989590210949939200_n
Kasama ko ang aking mama sa biyahe na ito.

36306500_157192568481660_2095441920116391936_n

 

36329556_157192471815003_6786203075351674880_n

 

36363323_157192541814996_5153037113893060608_n

 

Bus, tricycle at van lamang ang mode of transportation sa mga lugar malapit dito.

Ang sarap gumising araw-araw sa harap ng bahay ng Lola ko, may malawak na palayan. Nakikita mo ang mga ibong natatakot at napapalipad sa twing nagagalaw ng hangin ang ScareCrow (panakot).

36272787_157177728483144_8291640188350758912_n.jpg
Makikita sa larawan ang parte ng palay sa harap ng bahay ng Lola ko (hindi ko nakunan ng litrato ang buong palay ngunit makikita ito sa video/ vlog na aking ginawa na naka-upload sa youtube) Ako po ang nasa larawan at hindi scarecrow gaya ng sinabi ko sa itaas na deskripsiyon.

Naalala ko nung bata pa ako, ni hindi ko gusto ang pumunta sa Lola ko. Bukod sa layo, tagal at nakakahilong biyahe, nakaka-bored panoorin ang mga nadadaanan naming palay bawat sulok. Ngunit ngayong tumontong na ako sa saktong edad, napagtanto ko ang kagandahan ng lugar ng aking mama.

Siguro nga may rason lahat ng bagay. Mahina at kung minsan ay walang wala ang mga cellular signals rito, walang wifi, at walang computer shops. Kaya mapipilitan kang makipag-halubilo sa mga tao kung kaya marahil mapapalapit ka talaga sa mga tao dahil kinakailangan mong makipag-interact just to suffice boredom. Hindi na masama. Ang buhay rito’y ibang-iba sa syudad. Kinakailangan mong kumayod upang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Naalala ko dati, kasama ko ang mga pinsan ko mag-igib ng tubig mula sa poso, maghapon nangingisda ang aking tiyo sa dagat na connected lang sa ilog na malapit sa bahay ng lola ko at minsan ay sumasama ako sa pagkuha ng mga mangga sa madamot naming kapitbahay roon. (Makikita ang mga larawan ng ilog sa baba.)

36285139_157177618483155_4958267133067788288_n.jpg
Ito ang daan papunta sa ilog, medyo malapit lang sa bahay ng lola ko. Mag-hike lang ng konte. Maeenjoy mo naman ang paglalakad mo, pagkat madaming kahoy tulad ng nasa larawan.

36278640_157192645148319_529443165493526528_n

 

36250812_157192631814987_2031168825453445120_n

 

36314279_157178058483111_3168237846288924672_n

 

36320145_157178271816423_3660103655714979840_n.jpg

 

36349961_157178051816445_5968110426502725632_n
Zigzag ang porma ng ilog kaya’t liko-liko kalang sa kanan, papuntang dagat na iyan.

Hindi lamang ito ang gusto ko sa lugar ng mama ko. Naeenjoy ko rin dito pagka’t kada punta namin dito tuwing reunion, naliligo kami lagi sa dagat na para bang naging routine at tradisyon na talaga namin. Tuwing umuuwi lahat ng kapatid ni mama sa probinsya, ang sarap ng pakiramdam na nababalikan mo yung mga alalala nila nung bata pa sila, nung panahong wala pa kami ng mga pinsan ko. Ang saya kapag inaalala nila yung mga karanasan nila dito kasaama sina lola at lolo (nung buhay pa si lolo). Ang sarap makinig sa mga kwento nila tungkol sa mga gumagalang aswang, sigbin, santelmo, at mga tikbalang at iba pang mythical creatures na patuloy na pinapaniwalaan nila. Ang sarap matakot na parang bata kahit ngayon na dise-otso na ako. Simple lang. Ang saya ng mga bagay na hindi ko nakasanayan sa syudad.

36279819_157192315148352_5730411182402043904_n
Dela Paz beach resort.
36398602_157192255148358_2458276178847334400_n
Pinsan kong todo kung makapag pose.

Hindi ko pinagsisihan ang pag-uwi ko dito tuwing bakasyon, kahit paulit-ulit ang dagat na pinupuntahan, kahit pabalik-balik ang mga kwento, sa aking puso, ito ang aking magiging tahanan.

This is my greatest escape from toxic City life.

36386258_157192351815015_2893646284814548992_n.jpg
Inom muna ng Mirinda at Mountain Dew para sa mahaba-habang biyahe nanaman pauwi sa syudad ng Iligan!