Ginugunita kita, Sansan

Ginugunita kita, kahit wala ka na.

2009

Bata pa tayo ‘non. Butot bala’t ka’t tabachoy ako. Ang saya saya natin nung naglalaro sa palayan. Maputik at makati sa paa. Hinahabol natin yung mga manok na aaktong tatapak sa maputik na palayan. Inuuwi mo ‘ko sa bahay ng lola ko, at minsan ay naglaro tayo sa ulan at nadulas ako at nauna ang pwet ko sa putik. Hinugasan mo ang likod ko at masaya lang ako sa kadahilanang hindi mo ko iniwan sa putik gaya ng ginawa ng mga kalaro natin ‘nun. Naglalaro tayo sa tricycle ng aking uncle, ikaw ang driver at ako ang pasahero.

Saan ka na kaya, Sansan?

2015

Bumalik ako sa probinsya. Hinanap kita pagka’t magkatabi lang ang bahay niyo sa bahay ng lola ko. Wala tayong “source of communication” pero parang tulad pa rin tayo ng dati. Akala ko. Ang totoo, nahihiya ako. Ang totoo, gusto kita. Mula nung umuwi nako ng siyudad pagkatapos ng bakasyon, hindi ka na nawala sa isip ko. Akala ko bata pa lang ako nun at mahilig sa laro kaya nami-miss siguro kita. Ilang taon na din ang nakalipas kaya sigurado akong mahal kita ngayon. Inamin ko na sayo, kinse pa tayo pero gustong-gusto kita. Wala kang sinabi, pero sabi mo mahalaga ako sayo. Nanginginig ako habang umaamin sayo. Kaibigan pa rin tayo- kaya nagsasama tayo sa mga barkada natin dito sa baryo. Ilang linggo na lang at uuwi na ako  sa siyudad, Sansan. Wala pa rin akong naririnig sayo. Kaibigan pa rin tayo.

Naka-uwi na ‘ko sa siyudad Sansan- nami-miss kita.

2018

Nabalitaan ko’ng kasal ka na. Nagta-trabaho ka raw sa isang palayan malapit lang sa munisipyo natin. Dalawa na raw anak mo. Bakasyon na naman Sansan, wala na kong aabangan pagka-uwi ko sa atin. Durog na ang puso ko.

Nakita kita sa merkado. Nagda-drive ng tricycle sakay ang panganay mong anak. Kamukhang kamukha mo siya Sansan. Moreno at mahaba ang piluka.

Ginugunita kita San, sa mga araw na nalulungkot ako’t walang kausap. Ginugunita kita sa mga araw na ulan na lang ang hinihintay para makapag-tanim ng palay. Ginugunita kita sa araw na ginugunita ko ang aking kabataan. 

Wala na ‘kong hihintayin San, nami-miss kita. Ang sakit mo sa puso, ang sakit mo sa bituka, ang sakit mo sa paa. Ang sakit mong gunitain. Nakakpanghina nung bumaba ka’t  nakipagkamay-sabay pakilala sa iyong asawa, si Nelyn. Nanginginig akong iabot sayo ang aking kamay pero tinuloy ko. Tinapik mo ang balikat ko’t sinabi ang mga katagang “Musta naman ka nat”. Ang sarap pakinggan ng unang tatlong letra saaking pangalan. Ang lakas ng tama ko sa ‘yo San.

“Una nako, ayo-ayo.” 

Sa dami ng tanong mo, iyan nalang ang naintindihan ko. Hindi ko kasi alam ang nangyayari. Nabingi ata ako? ang hapdi ng lahat ng lamang loob ko. Ang kapal ng tubig sa mata ko. Umiiyak ba ko?

Umiyak ako nung tumalikod na siya at sumakay ulit sa tricycle niya.

Paalam, Sansan. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s